“Pambubulalas o Bullying”
Pangungutya, panunukso, panlalait, pangaasar, paninigaw,
pangaasar, hindi pagtanggap sa isang tao, panghihikayat sa ibang mag-aaral na
huwag makipagkaibigan sa isang partikular na indibidwal o pangkat, pagkakalat
ng tsismis, pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakararami Panununtok,
paninipa, pananampal, pangungurot, o ang biglang pag-alis ng upuan habang
nakatalikod upag matumba ang nakaupo. Kabilang din dito ang pagkuha at pagsira
sa gamit o pagpapakita ng hindi magagandang senyas ng kamay.
Ngayong estudyante palang ako marami na akong taong nakitang nabulalas na at binubulas pa din. Hindi man sabihin ng mga taong na bully makikita mo sa mga mukha nila na nasasaktan sila. May mga batang pinapahiya na agad dahil hindi lang sila magaling. Meron din namang sinasabihan sila ng bobo o tanga dahil lang nagkamali o bumagsak. Minsan nga pag naiiba ka sakanila ay kung ano-ano ng iniinis sayo.
May mga kilala akong taon na naranasan ang iba diyan. Ang isa sa kanila ay ginusto ng mamatay. Meron din napaiyak nalang. Hindi makatulog sa gabi sa kakaisip “kung pano na ba bukas” “sana hindi na nila naalala yung kanina” “nakakahiya talaga!” . Mapapaisip ka nalang “Ganoon ba ako kapangit? kaitim?” “kapango?” “kabobo?”. Pinapakita nalang na masaya siya na okay lang siya. Pero pag siya nalang mag isa umiiyak at sobrang nasasaktan.

Sa lahat ng mga nambubulas hanggat maaga pa ay itigil niyo na yan. Magbago na tayo at bigyan natin ng pagkakataon ang ibang tao maipakita kung ano talaga sila. Hindi tayo perpekto kaya meron tayong pagkakamali. Sa lahat ng mga nabulalas ipakita mo sa kanila kung sino ka talaga.
Ang nais lamang ipahayag ng blog na ito ay tigilan ang
Pambubulalas . Maging isang taong responsible at isipin ang mararamdam ng iba.